Kasunod ng umano’y paglabag nito sa health protocols, DOH tiwala pa rin kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong

55

Nananatili pa rin ang tiwala ng Department of Health (DOH) kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Contact Tracing Czar ng pamahalaan.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, malaki ang naitulong ni Magalong sa kagawaran bilang Contact Tracing Czar.


Habang marapat pa aniya itong manatili sa pwesto dahil nagpapatuloy pa rin ang paglaban ng bansa sa banta ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang hindi tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng National Task Force Against COVID-19 ang resignation ni Magalong matapos itong dumalo sa party ng social media personality at events host na si Tim Yap.

Facebook Comments