Kauna-unahang Maritime Cooperative Activity ng AFP at US Indo-Pacific Command ngayong taon, nakumpleto na

Nakumpleto na ang kauna-unahang Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ngayong 2025.

Isinagawa ito sa West Philippine Sea sa Palawan nitong January 17-18 kung saan naglunsad ang US at Pilipinas ng Communications Check Exercise, Division Tactics o Officer of the Watch maneuver at Photo Exercise.

Kabilang sa mga military asset na ginamit Pilipinas sa nasabing aktibidad ang BRP Antonio Luna (FF151), BRP Andres Bonifacio (PS17), dalawang FA50 fighter aircraft, at Philippine Air Force Search and Rescue (SAR).


Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner J., na mahalaga ang MCA upang mapaigting ang defense cooperation ng bansa at madagdagan ang ating kahandaan.

Ito na ang ikalimang MCA sa pagitan ng pwersa ng AFP at US military simula noong November 2023.

Facebook Comments