Friday, July 31, 2026

Panukalang P200 minimum wage increase, dapat ipasa na agad ng Kongreso

“Barya na nga lang, nabulilyaso pa.”

Pahayag ito ng labis na pakadismaya ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña makaraang suspendehin o mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Pasig Regional Trial Court (RTC) sa P85 na umento sa sahod sa National Capital Region (NCR).

Bunsod nito ay iginiit ni Cendaña sa Kongreso na magpakita ng tapang at kahandaan na pumanig sa interes ng mga manggagawa.

Sabi ni Cendaña, magagawa ito ng Kongreso sa pamamagitan ng pagpasa sa panukalang batas para sa P200 minimum wage increase.

Ayon kay Cendana, dapat kumilos ang Kongreso dahil nasasabotahe na ang baryang taas-sweldo na binibigay ng mga regional wage boards.

Dagdag pa ni Cendaña, nanganganib na rin ang mga nakabinbin na wage hike petitions sa iba’t ibang rehiyon ay nanganganib din.

Facebook Comments