Kawatang nanloob sa isang bahay sa Bulacan, nakunang naglabas ng ari

233

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang isang lalaking naglabas ng ari habang nanloloob sa isang bahay sa Barangay Pandayan, Meycauayan, Bulacan.

Tinangka pa ng kawatan na iwasan ang CCTV sa labas ng bahay.


Pero muli siyang nakuhanan sa loob ng bahay habang nililimas ang mga alahas, pera, at mga cellphone mula sa ikalawang palapag ng tirahan.

Habang nagnanakaw, nakalabas ang ari ng lalaki mula sa kaniyang suot na damit pang-ibaba.

Paniwala ng padre de pamilya ng bahay, plano ng lalaki na molestiyahin ang mga anak niyang dalaga.

Naniniwala ang mga pulis na nasa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga ang salarin.

Tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng lalaki habang nanawagan ang mga pulis sa iba pang biktima na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.




Facebook Comments