Isang bading, naaktuhan na nagre-repack ng shabu sa Makati City

113

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang bading matapos maaktuhang nagre-repack ng shabu habang nagpapatrolya ang mga pulis sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Orlando Hullana, 52 anyos, isang beautician at naninirahan sa Brgy. Pitogo.


Ayon sa Southern Police District (SPD), naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis ang pagre-repack ng shabu ng suspek sa maliit na plastic sachet.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang supplier ng droga ni Hullana.

Facebook Comments