Trabaho ng IATF, mananatili ayon sa Malacañang

69

Tuloy pa rin ang trabaho ng Inter-Agency Task Force o IATF.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz Angeles na hangga’t wala pang naitatalagang bagong kalihim ng Department of Health (DOH) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., status quo order muna ang lahat ng programa kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni Angeles, makabubuting hintayin na may maitalagang na pinuno ng DOH at ito ang magrerekomenda sa pangulo ng susunod na hakbang para patuloy na malabanan ng bansa ang pandemya.


Dahil dito, sinabi ni Angeles na mananatili ang pagpapatupad ng Alert Level System sa bansa.

Nasa Alert Level 1 ang National Capital Region hanggang July 15 kasama ang marami pang lugar sa bansa.

Facebook Comments