Thursday, July 16, 2026

Ombudsman, natanggap na ang counter affidavit ni Sen. Alan Cayetano kaugnay ng reklamong Obstruction of Justice

Sumagot na si Sen. Alan Peter Cayetano sa Office of the Ombudsman kaugnay ng nagpapatuloy na preliminary investigation sa kasong Obstruction of Justice na isinampa ng ilang miyembro ng civil society.

Matatandaang inatasan ng Ombudsman sina Sen. Cayetano, Sen. Robinhood Padilla at dismissed acting Senate Sergeant-at-Arms PMGen. Mao Apalsca na magsumite ng kanilang counter-affidavits kaugnay sa reklamong Obstruction of Justice na may kinalaman sa kontrobersyal na pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos ang nangyaring putukan.

Sa ngayon ay inaantay na lang ng Ombudsman ang counter affidavits ng mga kapwa akusado ni Sen. Cayetano na sina Sen. Padilla at Apalsca.

Facebook Comments