KLASE SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN AT PASOK SA MUNISIPYO NG CALASIAO, SUSPENDIDO BILANG PAGBIBIGAY DAAN SA KAPISTAHAN NG STS. PETER AND PAUL

32
Suspendido ngayong araw June 29, 2022 ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan at pasok sa government offices sa Calasiao bilang obserbasyon sa pagselebra sa kapistahan ng Saints Peter and Paul.
Batay sa inilabas na Executive Order No. 183 Series of 2022, na pirmado ni Outgoing Mayor Joseph Arman Bauzon, ito ay upang makapagbigay ng oras sa mga deboto na makapagnilay nilay, at makapagpasalamat.
Saklaw ng naturang kautusan ang pagsuspinde ng pasok sa Local Government Unit ng Calasiao maging sa mga national government agencies, departments, bureaus, at ibang instrumentalities na may opisina sa bayan. | ifmnews

Facebook Comments