
Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko na mag-ingat sa mga alok ng trabaho sa abroad.
Partikular ang pangakong mabilis ang proseso ngunit hindi dumadaan sa Department of Migrant Workers (DMW), walang working visa at Overseas Employment Certificate (OEC).
At higit sa lahat, ilalabas ng bansa sa mga pier sakay ng barko, speedboat, motorboat, o lantsa.
Ayon sa DMW, ang ganitong pamamaraan ay kadalasang nauuwi sa panlilinlang, sapilitang pagtatrabaho, o sexual abuse.
Ang babala ng DMW ay matapos na masawi ang isa sa mga pinaniniwalaang biktima ng human trafficking matapos tumaob ang sinasakyang bangka.
Nabatid na galing sa pier ang mga biktima kung saan anim sa kanila ang nailigtas at apat ang nawawala.
Facebook Comments