Mahigpit na binabantayan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan.
Ayon kay PDRRMO Operations Chief Vincent Chiu, mahalagang alamin at tiyaking mapagkakatiwalaan ang pinagmulan ng impormasyon bago ito ibahagi sa publiko, lalo na sa panahon ng sakuna kung kailan mabilis na naghahanap ng mga update ang mga residente.
Nauna nang ipinaliwanag ng PDRRMO na may kaugnayan ang pagbaha sa pagtaas ng mga river system, kabilang ang tubig na nagmumula sa mga upland area.
Bagama’t wala pang naitatalang malaking epekto mula sa pagpapakalat ng fake news, binigyang-diin ng PDRRMO ang kahalagahan ng pagpigil dito upang maiwasan ang maling impormasyon, kalituhan at hindi kinakailangang panic sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







