Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing para sa Work Immersion Program ng Dagupan City National High School (DCNHS) bilang bahagi ng mga hakbang upang mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magkaroon ng aktuwal na karanasan sa workplace.
Kabilang sa mga programang isinusulong ang TechPro Work Immersion at Academic Track Field Exposure, na naglalayong maiugnay ang mga natututuhan ng mga mag-aaral sa silid-aralan sa aktuwal na kalagayan sa labas ng paaralan.
Sa pamamagitan ng aktuwal na exposure, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataong matutuhan ang workplace culture, kabilang ang pagiging maagap, episyente, responsable, at maayos na pakikitungo sa iba’t ibang tao.
Sa pamamagitan ng Work Immersion Program, inaasahang mas mapapalawak ang kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan at pagpapahalaga na magagamit nila sa kanilang pagpapatuloy ng pag-aaral o pagpasok sa mundo ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












