
Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Lehislatibo at Ehekutibo kaugnay sa petisyong inihain na kumukuwestiyon sa 2025 General Appropriations Act.
Sa desisyon ng Supreme Court En Banc ngayong Martes, inatasan ang respondents na House of Representatives, Senado at si Executive Secretary Lucas Bersamin na magbigay ng komento sa loob ng 10 araw mula nang matanggap ang kopya.
Inihain ang Petition for Certiorari and Prohibition nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Davao Representative Isidro Ungab, at Rogelio Mendoza laban sa Kamara sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, Senate President Chiz Escudero, at ES Bersamin.
Iginiit ng mga petitioner na labag sa konstitusyon ang GAA dahil naglalaman ng mga blangkong item ang Bicameral Committee Report.