
Isinulong ng ilang lider ng Kamara na amyendahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law upang alisin ang ipinapataw na excise tax sa langis.
Nakapaloob ito sa House Bill 11369 na panukalang inihain nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Majority Leader Mannix Dalipe, at Tingog party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre.
Tiniyak naman ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda kasama ang mga stakeholder ay kanilang tatalakaying mabuti ang panukala lalo na ang epekto nito.
Ayon kay Salceda, taong 2023 pa lang ay kinokonsidera na nila ang pagsasagawa ng fuel excise tax adjustment.
Bunsod nito ay nangako si Salceda na gagawin ng Kamara ang lahat para mapababa ang singil ng kuryente at ang cost of living ng bawat pamilyang Pilipino.