
Isang kotse ang nagliyab kaninang pasado alas-11:00 ng umaga sa EDSA Magallanes, Makati City.
Ayon sa bus inspector na nakasaksi sa pangyayari, pinara niya ang kotse matapos itong umusok.
Pagbaba aniya ng lady driver, nagsimula nang lumiyab ang kotse at pinagtulungan itong apulahin ng mga motorista at security guards sa lugar.
Ligtas naman ang babaeng driver ng kotse na tumangging magpakilala.
Ang naturang insidente ay nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa Magallanes kaninang pasado alas-11:00.
Facebook Comments