Krimen sa Metro Manila, bumaba batay sa monitoring ng PNP

37

Sa nakalipas na 14 na buwan malaki ang ibinaba ng bilang ng focus crime cases sa Metro Manila.

Ito ay batay sa Crime Statistics ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanilang datos, 109,079 focus crimes ang naitala mula November 10, 2020, hanggang January 23, 2022.


Bumaba ito ng 16.9% mula sa dating 131,320 focus crime incidents mula Sept 5, 2019 hanggang November 9, 2020.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Alba, ang mga focus crimes na ito ay ang homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape.

Sinasabing dahilan naman ni NCRPO Chief PMGen. Vicente Danao Jr., sa pagbaba ng mga krimen na ito ay dahil sa suporta at pakikiisa ng publiko sa programa ng PNP partikular ang mga kampanya kontra krimen.



Ayon naman kay PNP Chief General Dionardo Carlos makikita rin ang kahalagahan ng magandang relasyon ng mga pulis sa komunidad para mas maging aktibo ang mamayan sa pagre-report ng mga nangyayari sa kanilang lugar.

Kaya naman patuloy ang panawagan ni PNP chief sa lahat ng pulis na panatilihin ang mga stratehiyang nakakatulong sa magandang resulta ng anti-criminality campaign ng PNP.


Facebook Comments