Monday, August 3, 2026

Discrepancies sa mga acknowledgement receipts sa confidential funds ng OVP, tinukoy ng COA sa Impeachment Trial

Tinukoy ni dating state auditor ng Commission on Audit – Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) Roderick Wamil ang mga discrepancies sa mga acknowledgement receipts ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa period ng December 21 hanggang 31, 2022.

Matatandaang nag-isyu ng Notice of Disallowance ang COA para sa higit P125 million confidential funds ng OVP na nadeterminang paglabag sa 2015 Joint Circular na nagtatakda ng limitasyon sa dapat lang na paggamitan ng confidential funds.

Iprinisinta at kinumpirma ni Wamil ang mga acknowledgement receipts na natanggap ng mga payee para sa confidential funds ng OVP.

Ilan sa mga ito ang acknowledgement receipt na P70,000 para sa pambayad ng mga gamot bilang rewards na tinanggap at nilagdaan ng kontrobersyal na si “Mary Grace Piattos” na may petsang December 30, 2022.

Dagdag pa rito ang mga acknowledgement receipts na tinanggap ng mga lumagda na sina Renan Piattos, Nova Santos, Mico Harina, Janice Marie Revilla, Patty Ting, Andy Lim, Alejandro Pikit, Feonna Biong, Sisfrunio Balsac at Gabriel Bisaya.

Bukod sa hindi tiyak kung totoong mga pangalan ang mga nakalagda, napuna rin ang discrepancies sa mga petsa ng lagda dahil ilan sa mga ito ay nilagdaan ng December 2023 na hindi sakop ng period ng disbursement coverage na December 2022.

Ipinunto ni Wamil na mayroong discrepancy o sobra ng 150,000 ang kabuuang gastos dahil sa acknowledgement receipts umabot ng P125.150 Million ang gastos pero sa accomplishment report ay P125 Million lang.

Batay sa confidential funds expenses ng OVP para sa period ng December 21 hanggang 31, 2022, ilan sa mga pinaggamitan ng confidential funds ay various goods P34.8 Million, mga gamot P24.9 million, supplies na P11.8 million, P500,000 na tables and chairs at P3 million para sa desktop computers at printers.

Dagdag ni Wamil, ang mga payment para sa tables and chairs at desktop computers and printers ay naka-charge sa cash advance ng confidential funds pero hindi nakadetalye kung ito ba ay ginastos sa confidential operations o activities.

Facebook Comments