Panukala para sa honoraria, CSC eligibility at pagpapalawak sa trabaho ng SK, lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara

107

Umaasa ang mga may-akda ng panukalang nagpapalakas sa Sangguniang Kabataan (SK) na maaaprubahan ito bago matapos ang sesyon.

Ito ay matapos maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10698 na naglalayong bigyan ng honoraria at iba pang mga benepisyo at pribilehiyo ang mga opisyal ng SK.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, para maging professional ang SK, dapat binabayaran ang kanilang pagsisikap.


Pagkakalooban din ng barangay official eligibility ang mga SK officials na iginagawad ng Civil Service Commission.

Kaakibat ng pagpapalakas sa SK ang pagpapalawak sa kanilang tungkulin kabilang ang skills training, youth employment, environmental protection, values education at iba pang mga programang may kinalaman sa mga kabataan.

Facebook Comments