KULONG | 4 kabilang ang isang lola arestado sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District Sampaloc Police Station Police Station -4 ang apat na personalidad matapos na magsagawa ng Simultaneous Anti-Illegal Drugs Operation sa Prudencio Street kanto ng Hondradez Street Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Irene Ramos 60-anyos, Rene Boy Tortal 49-anyos, Arnel Bacot 25-anyos at Richard salosa 38-anyos at residente ng 1951 Alyano Street Sta. Mesa Manila.

Narekober sa apat ang 4 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa ng MPD laban sa mga suspek.

Facebook Comments