Laban kay McGregor, kinumpirma ng kampo ni Senator Manny Paquiao

202

Kinumpirma ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ang ikinakasang laban kay UFC superstar Conor McGregor sa susunod na taon na posibleng gawin sa Middle East.

Sa katunayan, ayon sa Special Assistant ni Pacquiao na si Mr. Jayke Joson, isinasapinal na ng kanilang mga abogado ang confidential details hinggil dito.

Pahayag ito ni Joson makaraang ianunsyo sa twitter ni McGregor ang laban kay Pacquiao.

Binigyang diin ni Joson na malaking halaga sa kikitain ni Paquiao sa naturang laban ay ilalaan niya sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa buong bansa.

Sinabi ni Joson, hangga’t maari ay ayaw munang pag-usapan ni Senator Pacquiao ang tungkol sa kaniyang laban dahil mas prayoridad nito ngayon ang pagtulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments