Sunday, June 7, 2026

NBI, nagsumite na ng statement sa CIDG mula sa NBI personnel at mga kagawad ng media kaugnay ng naging putukan sa Senado

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na naisumite na nila sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang lahat ng spot reports kaugnay ng nangyaring putukan sa Senado noong May 13.

Kabilang aniya sa kanilang naisumite sa CIDG ang statement ng NBI agents na sangkot sa operasyon sa Senado, gayundin ang pahayag ng Media.

Iginiit naman ni Matibag na hindi target ng kanilang operasyon ang Senado.

Nais lamang aniya nila na magbigay ng seguridad sa GSIS matapos humiling ng proteksyon si GSIS General Manager Wick Veloso.

Ito ay lalo na aniya’t posibleng planong gawing escape route ni Senador Ronald Dela Rosa ang GSIS compound dahil konektado aniya ang GSIS at Senado sa maraming entry at exit points.

Facebook Comments