Lahat ng barangay sa Quezon City, may single digit na lang ng COVID-19 active cases maliban sa Barangay Commonwealth

Halos lahat ng barangay sa Quezon City ay mayroon na lamang single digit na aktibong kaso ng COVID-19.

Maliban sa barangay Commonwealth na nakapagtala pa ng 11 active cases hanggang Ika-20 ng Marso.

Sa kabuuang 142 barangay sa lungsod may 50 na ang ideneklarang “Zero COVID-19” cases.


Base sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 216 na lang 0.08% ang active cases sa lungsod.

Nasa 259,023 na ang bilang ng mga gumaling mula sa kabuuang 260,924 na kumpirmadong nagpositibo sa virus.

Facebook Comments