
Nakipagpulong ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Manila Police District (MPD) at Meralco para tugunan ang problema sa talamak na paggamit ng jumper sa lungsod.
Bahagi ito ng hakbang ng LGU para mapababa ang mga system loss at matiyan ang kaligtasan ng mga residente sa pag-iwas sa mga sunog.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang pagnanakaw ng kuryente o paggamit ng jumper ang nakikita nilang dahilan na bukod sa iligal ay delikado dahil maaaring pagmulan ng sunog.
Dahil dito, nakipag-ugnayan sila sa Meralco at MPD para matukoy at mapigilan ang mga iligal na koneksyon sa Maynila.
Lumalabas naman ayon sa Meralco na ilan pang mga opisyal ng barangay pa mismo ang gumagamit ng mga jumper sa kanilang mga bahay at hinaharang pa ang mga operasyon nila para alisin ito.
Samantala, hiniling din ng alkalde sa Meralco na alisin ang mga sirang poste ng kuryente sa lungsod.
Mula aniya sa mahigit 33,000 poste ng kuryente, libu-libo rito ang sira at mga nakatagilid na










