LALAKI, ARESTADO MATAPOS SUNTUKIN ANG ASAWA AT INATAKE ANG BRGY. KAGAWAD

Arestado ang isang lalaki matapos umanong manakit at manggulo sa sarili nitong bahay sa Brgy. Moreno, Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 20 anyos na construction worker. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, rumesponde umano ang barangay kagawad at kasamahan nito sa bahay ng suspek matapos umano nitong suntukin ang kaniyang asawa.

Nadatnan na lamang ng kagawad na sugatan ang labi ng asawa nito at sinubukan pang awatin ngunit sinigawan siya at inatake.

Nang maawat ang suspek agad pinag-bigay alam sa awtoridad ang insidente. Nasa kustodiya ng Binalonan Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments