500 SEEDLING ITINANIM SA PANGASINAN ECO PARK SA PAGDIRIWANG NG ARBOR DAY

Humigit-kumulang 500 seedling ng iba’t ibang uri ng puno ang itinanim sa Pangasinan Eco Park sa Barangay Cayanga, Bugallon bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagdiriwang ng Arbor Day at National Disaster Resilience Month.

Kabilang sa mga itinanim ang narra, batino, kasoy, at guyabano bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Green Canopy Program.

Layunin ng programa na makapagtanim ng isang milyong puno sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang pangmatagalang hakbang upang mapalawak ang luntiang kapaligiran at makatulong sa pagtugon sa epekto ng climate change at global warming.

Pinangunahan ng mga empleyado ng Kapitolyo, gamit ang mga seedling na nagmula sa Provincial Agriculture Office.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, seryosong ipinatutupad ang Green Canopy Program sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na monitoring ng Office of the Provincial Agriculturist upang matiyak na nabubuhay at maayos na lumalago ang mga naitatanim na puno.

Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit kalahating milyong puno na ang naitanim sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan mula nang ilunsad ang Green Canopy Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments