TATLO, PATAY SA PAMAMARIL;SUSPEK,NAGPAKAMATAY

37
Nasawi ang tatlong indibidwal habang sugatan naman ang isa pa sa pamamaril ng isang lalaki sa bayan ng Sta. Marcela, Apayao nitong Lunes, Agosto 29,2022.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bong Badua Ramirez, 48 taong gulang; Ryan Santi Soriano, 39 taong gulang; at Edmar Turilla Aguinaldo, 30 taong gulang habang nagtamo naman ng tama ng bala si Stephen Jones Baysa Salvatiera, 33 taong gulang na lahat ay pawing residente ng Brgy. Sipa, Sta. Marcela.

Ang suspek naman ay kinilala na si Norvie Pachero Romero, 32 taong gulang na nagpakamatay rin matapos ang ginawang krimen.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial information Office, batay sa imbestigasyon ng PNP Sta. Marcela, pinagbabaril umano ng suspek ang mga biktima habang nag-iinuman umano sa bahay ng isang kaibigan.

Nagtamo ng mga tama sa ulo ang mga biktima na sina Ramirez, Soriano at Aguinaldo at si Salvatiera naman ay tinamaan sa bandang balikat nito at kasalukuyang nagpapagamot.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang dalawa pang kasama sa inuman matapos makapagtago habang namamaril ang suspek.



Samantala, nahaharap naman sa kasong obstruction of justice ang ama ng suspek na si Norberto Romero matapos nitong pumunta sa pinangyarihan ng krimen at itago ang Glock 17, Gen4 na baril na ginamit ng anak. Siya ay nadakip sa isinagawang hot pursuit ng kapulisan.

Facebook Comments