LALAKI, PINAGBABARIL SA BAYAN NG ALICIA

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Alicia, Isabela nitong Lunes, Agosto 8, 2022.

Kinilala ang biktima na si Cesar Gamiao Soriano, 36 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, naliligo ang biktima sa kanilang pump well sa labas ng kanilang bahay nang biglang pinagbabaril ng dalawang di kilalang suspek.

Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima ngunit sinundan pa rin siya ng mga suspek kaya agad ding lumabas ng bahay at humingi ng tulong.

Nagtamo si Soriano ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng braso, hintuturo at hinlalato.

Naisugod naman agad sa ospital ang biktima at nalapatan ng lunas.

Sa panayam ng mga otoridad sa biktima, pinangalanan nito ang isa sa mga suspek na si Alyas Gilbert.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek sa pamamaril

Facebook Comments