Lalaking dati nang nakulong dahil sa droga, muling naaresto sa buy-bust operation sa Boracay

25
Malay, Aklan — Muling naaresto ng mga otoridad kaninang umaga sa Sitio Cabanbanan, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan ang isang lalaking dati ng nakulong dahil sa illegal na droga. Base sa report ng Malay PNP, kinilala ang naarestong si Edrick Emia Maghari, 26-anyos, commissioner, tubong North Poblacion, Larena, Siquijor at kasalukuyang nakatira sa nasabing Sitio at Barangay sa isla. Inaresto si Maghari matapos na makuhaan ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng buy-bust money na P 1,000.00. Bago pa man ito isinailalim sa buy-bust operation ay minamanmanan na ito ng mga otoridad matapos naging matunog ang pangalan nito kung droga ang pag-uusapan. Taong 2014, una itong nahuli dahil rin sa droga at nakalabas noong 2018. Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang mga items na nakuha sa kanya. Sa ngayon ay kulong sa Malay PNP at muling mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Maghari.
Facebook Comments