APAT NA MANLALARO NG MAHJONG NAHULI SA ROSARIO, LA UNION

21

Hinuli ng awtoridad ang apat na indibidwal dahil sa iligal na pagsusugal sa Brgy. Damortis, Rosario, La Union.

Nakilala ang mga nahuli na sina Peter Paul Britos, Cristina Bautista, Virginia Aguilar at Emma Verceles.

Nagpatupad ng anti-illegal gambling operation ang himpilan ng Rosario PNP sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli sa akto ng apat habang naglalaro ng Mahjong.

Nakumpiska ng awtoridad ang mga kagamitan sa paglalaro ng mahjong at ang mga pusta na nagkakahalaga lahat ng mahigit isanlibong piso.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag ng PD 1602. | ifmnews

Facebook Comments