LALAKING NAKAINOM, NALUNOD SA AGNO RIVER SA BAYAMBANG

Hindi na nakabalik ang isang lalaking hindi nagpaalam nang ito ay umalis sa kanilang bahay sa Bayambang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pinaghahanap ng pamilya ang 51 anyos na lalaki, residente ng nasabing bayan, at nadiskubre ang mga kagamitan nito sa Agno River.
Nakainom umano ang biktima at pinaniniwalaang nagtungo ito sa ilog upang maligo lang sana.

Inaakalang naligo ito at inanod ng malakas na agos ng tubig.
Patuloy ang paalala ng awtoridad na huwag maligo at magtungo kung saan saan kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak upang maiwasan ang anumang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments