Ipinagpatuloy ng Lokal na Pamahalaan ng Calasiao ang mga river restoration efforts sa bayan matapos isagawa ang Parongking-Bued River Restoration sa Brgy. Bued noong Hunyo 5, 2026.
Ayon sa ulat, ang aktibidad ay pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa mga kailugan na naunang isinagawa sa Parongking River sa mga barangay ng Ambonao at San Miguel sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ang naturang proyekto ay bahagi umano ng River Rehabilitation and Flood Mitigation Program ng lalawigan na naglalayong mapabuti ang daloy ng tubig para mabawasan ang panganib ng pagbaha.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng Parongking-Bued River Restoration na ipagpatuloy ang paglilinis sa mga kailugan sa bayan kung saan ang Brgy. Bued naman ngayon ang pinakabagong lugar na saklaw ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








