MISS SAN FABIAN ANDREA CAYABYAB, KINORONAHAN BILANG MISS UNIVERSE PHILIPPINES – PANGASINAN 2025

Wagi ang pambato ng San Fabian na si Andrea Ravanzo Cayabyab sa Miss Universe Philippines Pangasinan 2025, na ginanap noong Biyernes sa Don Jose C. Magno Sports and Civic Center Pozorrubio, Pangasinan.

Nakuha ni Andrea ang titulo matapos magpakita ng husay sa Q&A, talento at sa pagrampa.

Hinakot rin nito ang iba pang major award Gaya ng Miss Photogenic, Best in Evening Gown at Best in Creative Costume.

Sa kanyang pagkapanalo, magiging bahagi ito ng mga aktibidad at proyekto ng organisasyon upang magbigay inspirasyon at isulong ang karapatan ng mga kababaihan sa buong Pangasinan.

Samantala, Si Andrea ang magiging pambato ng lalawigan sa Miss Universe Philippines 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments