Monday, November 23, 2026

Anim na dating opisyal ng DPWH Region 12 at pitong pribadong indibidwal, sinampahan ng kasong graft at malversation sa Sandiganbayan

Pormal nang naghain ngayong Martes, Nobyembre 3, ng kasong graft at malversation ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 at pitong pribadong indibidwal.

Ito ay kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng 13 akusado sa P419-million road right-of-way scam sa Digos-Makar National Road sa Lagao, General Santos City.

Ayon sa resolusyon, nakitaan umano ng Ombudsman ng “prima facie evidence with reasonable certainty of conviction” ang mga sumusunod na dating opisyal ng DPWH Region 12:

• Regional Director Subair Saro Diron
• Dating Assistant Regional Director Laureano B. Suan Jr.
• Apat pang dating tauhan ng DPWH.

Matatandaang nag-ugat ang nasabing mga kaso sa tatlong investigative report ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2018 at 2019, kaugnay ng ibinayad sa 18 parcel ng lupa na maaapektuhan ng konstruksyon ng Digos-Makar National Road sa Barangay Lagao, General Santos City.

Samantala, bawat akusado ay nahaharap sa tig-18 counts ng graft at malversation, habang mamayang alas-2:00 ng hapon naman ira-raffle ang nasabing mga kaso.

Facebook Comments