Lalaking sinasabing nahulog sa NAIA Terminal 1 departure area, kumpirmadong tumalon

216

Lumalabas sa imbestigasyon na tumalon ang lalaking sinasabing nahulog kahapon mula sa curbside ng NAIA Terminal 1 departure area.

Sa ginawang pag-review ng Airport Police Department sa CCTV ng paliparan na sumampa sa mataas na pasamano sa departure area bago tumalon ang lalaking si Michael Laureño, 26 taong gulang.

May well-wishers din na nakakita sa kanya na balisa ito at hindi mapakali kung saan nagpalakad-lakad din ito sa departure area bago tumalon.


Napag-alaman na si Michael Laureño ay isang helper, base sa nakuhang ID sa bag nito na may address na Sto. Tomas, Batangas.

Siya ay isinugod sa pagamutan ng NAIA medical team kahapon pero binawian din ito ng buhay.

Facebook Comments