
Magdamag na sinamahan ni Senator Robinhood Padilla si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado.
Dito muna sa loob ng Senado mananatili si Dela Rosa at sa unang gabi nito ay sa opisina ni Senator Jinggoy Estrada siya natulog.
Ayon kay Padilla, sinamahan niya si Dela Rosa dahil posibleng malungkot ito sa tagal na nawala sa Senado.
Marami aniya silang napagkwentuhan pero hindi nila napag-usapan ang tungkol sa impeachment, sa kaso at sa warrant ng senador sa International Criminal Court (ICC).
Dagdag pa ni Padilla, sila na mga kaalyado ni Dela Rosa ay hindi alam na papasok ang mambabatas kahapon.
Sa pagkakaalam din ng mambabatas ay wala silang numero at ang ilang senador na lumipat sa kanila ay hindi nila naisip na mapupunta sa kanila.
Facebook Comments










