Lalaking wanted sa kasong cyber libel, arestado sa Maynila

60

Arestado sa lungsod ng Maynila ang isang school director matapos dahil sa kinakaharap nitong kasong cyber libel.

Nakilala ang nadakip na si Noel Serrano, 48-anyos at residente ng Biak na Bato Street sa Tondo.

Nasakote ng Manila Police District (MPD) Station-14 si Serrano sa may bahagi ng Hidalgo Street kanto ng Bautista Street sa Quiapo habang papasok ito sa kaniyang trabaho.


Nahaharap si Serrano sa kasong 2 counts ng cyber libel sa RTC Branch 271 sa Taguig City.

Itinuturing rin siya bilang Top 22 Most Wanted Person kung saan nadakip siya sa ikinasang Oplan Pagtugis ng MPD Station-14.

Facebook Comments