Labintatlong fisheries enforcement personnel ang sumailalim sa dalawang linggong pagsasanay sa pag-iinspeksyon ng mga sasakyang pandagat noong Setyembre 7 hanggang 18, 2026 sa Lucap, Alaminos City.
Isinagawa ang Visit, Board, Search, and Seizure (VBSS) Training ng Fisheries and Coastal Resilient Resource Planning and Management (FishCRRM) Sub-component 1.3 ng FMA 6 Coordinating Unit 1 (FCU1).
Kabilang sa mga kalahok ang mga tauhan ng Enforcement Regional Monitoring Control Surveillance Operations Center (ERMCSOC) at iba pang Fishing Regulations Officers.
Kasama sa tinalakay ang mga batas sa dagat, kaligtasan, pagsusuri ng panganib, pag-akyat at pag-inspeksyon ng mga sasakyang pandagat.
Nagtapos ang training sa isang aktuwal na boarding exercise sa Alaminos City gamit ang BFAR MCS Patrol Vessel bilang Vessel of Interest.
Ayon sa BFAR, nakumpleto ng lahat ng 13 kalahok ang pagsasanay na bumuo sa SALAKNIB 6 Class of VBSS. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











