
Kauna-unahang summit na magsisilbing hakbang para sa pagkakaroon ng isang resilient at thriving LGBTQ+ entrepreneurial community sa Quezon city ang isasagawa bukas, June 18 sa M.I.C.E. Center, sa Quezon City Hall compound.
Ang LGBTIQ+ Business Summit ay inorganisa ng Quezon City local government unit sa pakikipagtulungan ng Philippine LGBT Chamber of Commerce at iba pang organisasyon.
Ang summit na may temang “Building an Inclusive Future: Quezon City as an LGBTIQ+ Business-Friendly City” ay may layong kilalanin ang mahalagang papel na ginampanan ng LGBTQ+ entrepreneurs para sa isang masiglang ekonomiya ng lungsod.
Tampok sa summit ang mga presentations, success stories, at panel discussions para sa inclusive policies at innovative business practices.
Palalakasin din nito ang cross-sector partnerships at ang boses ng LGBTQ+ entrepreneurs lalo na mula sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na may malaking tulong sa pagpapaunlad ng Quezon City.