LGU ALICIA, MAGSASAGAWA NG MASS WEDDING SA ARAW NG MGA PUSO

CAUAYAN CITY – Isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ang Kasalang Bayan sa ika- 14 ng Pebrero, taong kasalukuyan na gaganapin sa Alicia Community Center.

Sa anunsyong inilabas ng LGU Alicia, lahat ng mga magkasintahan na gustong magparehistro, magpasa lamang ng mga dokumento katulad ng Government Issued ID, Birth Certificate mula Philippine Statistics Authority (PSA), at Certificate of No Marriage Record (CENOMAR).

Kailangan din ng parents consent o advice para sa mga magkasintahan na nasa 25 taong gulang pababa, maging ang certification ng Family Planning mula sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD).


Ipasa lamang ang mga nabanggit na dokumento sa Office of the Municipal Civil Registrar para makapag-parehistro sa kasalang bayan hanggang ika-31 ng Enero.

Facebook Comments