LGU ANDA, ITINANGHAL BILANG MALINIS AT MASAGANANG KARAGATAN SA REHIYON UNO

19
Nasungkit ng LGU ANDA ang Grand Winner Award bilang Malinis at Masaganang Karapatan sa Rehiyon Uno sa katatapos na 59th Fish Conservation Week and Culmination Program na may temang ” Pagkain ng Bansa Siguruhin, Likas-Yamang Produksyon ng isda Isulong Natin” noong Setyembre 16, 2022 sa BFAR Region 1.
Samantala, tinanggap rin ng LGU ANDA ang GAWAD PAGKILALA AWARD, bilang isa sa mga regional and national nominees ng nasabing programa.
Ang nasabing mga parangal ay bilang pagkilala sa Bayan ng Anda sa natatanging kontribusyon nito sa pagpapanatili ng malinis at masaganang karagatan na naglalayong mas mapalawak pa ang produksyon ng mga produkto, mula sa likas na yaman nito.

Facebook Comments