LIBRENG BIRTH CERTIFICATE, IBINIGAY SA MGA POSIBLENG 4Ps BENEFICIARIES SA BAYAMBANG

Inasistehan at binigyan ng libreng kopya ng birth certificate ng Local Civil Registry Office ng Bayambang ang mga potensyal na bagong miyembro ng 4Ps sa isinagawang Community Assembly.

‎Sa naturang aktibidad, inihatid ang iba’t ibang serbisyong mahalaga sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kabilang ang pag-iisyu ng dalawampu’t siyam na libreng kopya ng birth certificate para sa mga indibidwal na wala pang opisyal na dokumento ng kanilang kapanganakan.

‎Layunin ng hakbang na matiyak na ang bawat benepisyaryo ay may sapat na pagkakakilanlan bilang mahalagang requirement sa pagkuha ng mga serbisyong panlipunan mula sa pamahalaan.

‎Nagbigay rin ang tanggapan ng listahan ng mga kinakailangang dokumento sa mga hindi pa rehistrado ang kapanganakan upang sila ay makasailalim sa libreng late registration sa mga susunod na araw.

‎Patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang mahahalagang serbisyo sa mga residente, lalo na sa mga nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments