APAT NA BAGONG MODERN PUVs, IDINAGDAG PARA SA BIYAHENG SAN MANUEL-URDANETA

Apat na bagong modern public utility vehicles (PUVs) ang idinagdag sa rutang San Manuel-Urdaneta City via Binalonan para sa mga commuters.

Batay sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) La Union, isinagawa ang pagdaragdag ng mga unit sa pamamagitan ng koordinasyon sa Municipality of San Manuel at Pangasinan Express Transport Cooperative.

Ang mga bagong PUV ay alinsunod sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program para sa man moderno at maayos na pampublikong transportasyon.

Inaasahang makatutulong ang mga bagong unit sa pagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mga commuter na gumagamit ng nasabing ruta.

Ayon pa sa LTFRB, nakabatay umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusulong ng modernisasyon ng public transportation system sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments