Lahat ng Child Development Centers sa bayan ng Umingan ang naging benepisyaryo ng pagbibigay ng mga kagamitang panturo sa ilalim ng programang U-PRINT o Umingan – Provision of Resources for Instructional Needs and Teaching.
Batay sa ulat, nakatanggap ang bawat sentro ng isang printer at isang ream ng bond paper na gagamitin ng mga Child Development Workers sa paghahanda ng mga materyales para sa mga batang kalahok sa early childhood education program.
Inaasahang pandagdag ang mga ito sa learning materials at iba pang pangangailangan sa pagtuturo sa mga Child Development Centers.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang U-PRINT ng mga programa ng bayan para tugunan ang pangangailangan ng mga guro at suportahan ang mga kabataan sa Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










