Wednesday, July 22, 2026

200 BUNGALON MANGROVE SEEDLINGS, ITINANIM NG PWD COMMUNITY SA ALAMINOS CITY MATAPOS ANG NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

Nakapagtanim ng 200 bungalon mangrove seedlings ang mga miyermbro ng Persons with Disability (PWD) sa Mangrove Eco-Park, Barangay Bued, Alaminos City bilang pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week.

Kasama sa mga lumahok ang PWD Barangay Presidents, leaders, at mga miyembro ng iba’t ibang barangay para sa mangrove propagation activity bilang bahagi ng adbokasiya para sa mas inklusibong pakikilahok sa mga programang pangkalikasan ng lungsod.

Ang mga itinanim na bungalon seedlings ay inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng coastal ecosystem at magsisilbing natural na proteksiyon laban sa pagguho ng lupa, malalakas na alon, at iba pang epekto sa mga baybaying lugar.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Alaminos City, katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Alaminos City Environment and Natural Resources Office (ENRO).

Ayon sa ulat, patuloy umanong isinusulong sa lungsod ang pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat habang pinoprotektahan ang likas na yaman para sa susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments