Liderato ng Kamara, nagpaabot ng pagbati para sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

80

Nagpaabot ng pagbati si House Majority Leader Martin Romualdez sa katatapos na inagurasyon ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang ika-15 bise presidente ng bansa.

Ayon kay Romualdez, na campaign manager ni Duterte, ang tagumpay ni VP-elect Sara ay tunay na maipagmamalaki ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, ng kanyang pamilya at mga constituents.

Nararapat lamang din aniya na sinimulan ng Pangalawang Pangulo ang kanyang termino sa kanyang sariling bayan kung saan isinagawa ang kanyang inagurasyon.


Bukod dito, ang panalo nila Duterte at President-elect Bongbong Marcos Jr., ay tagumpay din ng 31 milyong botante na nagbahagi ng parehong mensahe ng pagkakaisa sa bansa at hangarin ng mas magandang buhay sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Romualdez, dahil ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ay nanalo “by a majority”, tiyak aniya na ang mga incoming leaders ay may matatag na pundasyon para makamit ang misyon para sa bansa.

Facebook Comments