Dalawang lugar sa Metro Manila, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ayon sa DOH

94

Kapwa walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Navotas at bayan ng Pateros kahapon batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Habang nangunguna pa rin ang Quezon City sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng new COVID cases na aabot sa 71.

Sinundan naman ito ng mga sumusunod:


Makati – 41
Parañaque – 33
Manila – 31
Pasig – 29
Taguig – 24
Las Piñas – 12
Mandaluyong – 10
Muntinlupa at Pasay – 9
Marikina – 8
Caloocan – 5
San Juan – 4
Malabon at Valenzuela – 3

Samantala, nangunguna pa rin ang NCR sa mga rehiyon sa buong bansa na nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 kung saan binubuo nito ang 293 sa 612 na new COVID cases na naitala sa bansa kahapon.

Facebook Comments