Thursday, August 13, 2026

Liderato ng Kamara, tiniyak na available ang Doxycycline sa DOH regional offices at mga munisipyo

Nakipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) sina House Speaker Faustino Bodjie Dy III at Majority Leader Sandro Marcos upang tiyaking naka-handa at available ang gamot na Doxycycline.

Ayon kay House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin, hakbang ito ng liderato ng Kamara upang siguraduhin na magiging ligtas sa sakit na dulot ng paglusong sa baha ang ating mga kababayan sa gitna ng patuloy na masamang lagay ng panahon.

Bilang doktor at dating kalihim ng DOH ay mahigpit ang paalala ni Garin sa mga lulusong sa baha na uminom agad ng dalawang tableta ng Doxycycline kung walang sugat.

Sabi ni garin, kailangan namang uminom ng Doxycycline hanggang tatlong araw kung may sugat o hindi sadyang nakalunok ng tubig-baha.

Paliwanag ni Garin, delikado ang mga sakit na sanhi ng exposure sa baha tulad ng leptospirosis na maaring maging sanhi ng pagkamatay.

Facebook Comments