LIGTAS BALIK ESKWELA, PINAIIGTING NG PNP TUMAUINI

29
Nagpapatuloy ang isinasagawang pagbabantay ng personnel ng Tumauini Police Station sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Tumauini.

Nakatalaga ang mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga paaralan mula sa proyektong ‘Ligtas Balik Eskwela’ na may temang “Kapit Bisig para sa Ligtas na Balik Eskwela”.

Buong panahong naka-deploy sa mga paaralan at kalsada lalo sa mga oras ng pagpasok ng mga mag-aaral ang mga kapulisan sa pamumuno ni PMaj Charles Cariño, Hepe ng PNP Tumauini.

Layunin nito na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga mamamayan sa pangkalahatan.

Facebook Comments