Lima katao, sugatan matapos masunog ang isang gasoline station sa Zambales.

35

Manila, Philippines – Sugatan ang lima katao kasama ang isang buntis nang masunog ang isang gasoline station sa Iba, Zambales.

Nagtamo ng lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang buntis na si Mary Joyce Torralba na kabilang sa mga nagtratrabaho sa isang commercial stall malapit sa gasolinahan.

Pawang mga empleyado naman ng gasoline station ang iba pang nasugatan na sina Bernard Modelo, 47-anyos, Jerry Millama, 56-anyos, Principe Latorero, 32-anyos, at Erwin Esteva, 33 taong gulang.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa ngayon para matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang pinsala na naidulot nito.

Facebook Comments