Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat, idineklara ang state of calamity dito sa bayan ng Lingayen sa Pangasinan.
Isinailalim ang Lingayen, Pangasinan sa state of calamity noong August 28, 2026 sa bisa ng Resolution No. 462, Series of 2026.
Kabilang sa resolution na ito ang pagpapahintulot sa paggamit ng Quick Response Fund (QRF) para sa agarang disaster response at relief operations.
Patuloy na nagsasagawa ng pre-emptive evacuation ang LDRRMO sa mga barangay na malubhang naapektuhan ng pagbaha lalo na sa mga malapit sa ilog tulad ng Pangapisan North, Manibok, Poblacion, Lasip, Wawa, Basing, Dulag, Bantayan, Sabangab, at Malimpec
Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, LDRRMO 3 LGU-Lingayen Operations head, mayroon ng 16 na designated evacuation area sa buong bayan ng Lingayen at nasa tinatayang 141 na pamilya o higit kumulang 370 na indibidwal ang kasalukuyang nasa mga evacuation center.
Dagdag pa niya, patuloy ang pagmomonitor nila sa buong bayan lalo na sa mga lugar na nakararanas ng matinding pagbaha at maigting na pinag-iingat ang lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments