Sunday, October 11, 2026

‎MGA LGUs SA PANGASINAN NA NASA ILALIM NG STATE OF CALAMITY, UMABOT NA SA WALO

‎MGA LGUs SA PANGASINAN NA NASA ILALIM NG STATE OF CALAMITY, UMABOT NA SA WALO
‎
‎Nagdeklara na rin ang Local Government Unit (LGU) ng Lingayen na ang bayan ay nasa sa ilalim ng State of Calamity noong Biyernes, August 28, 2026.
‎
‎Dulot pa rin ito ng nararanasang Soutwest Monsoon o Habagat na pinalala ng mga nagdaang bagyong Maymay, Neneng at Obet kung saan nagdala ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan, baha lalo na ang mapanganib na kondisyon ng ilang barangay sa bayan.
‎
‎Sa kasalukuyan, umabot na sa walong LGUs ang nagpatupad ng State of Calamity sa lalawigan ng Pangasinan kabilang ang Bayambang, Bugallon, Dagupan City, Infanta, Mangaldan, Mangatarem, Sta. Barabara at Lingayen.
‎
‎Patuloy naman na nakatutok ang mga tanggapan ng MDRRMO/CDRRMO sa kani-kanilang mga nasasakupang bahagi na nasa ilalim ng state of calamity.
‎
‎Samantala, ayon sa huling tala ng DOST-PAGASA, 5:00 am, kahapon, nasa ilalim ng Orange rainfall ang buong Pangasinan ngayong araw, August 31, 2026 kung saan posibleng makaranas ng 100-200 mm heavy to intense rainfall. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments